Di ko kasi alam kung paranoid ba ko o sadyang naglalandi ka.
Nakakatanggap lang ako pag may naririnig kang goodnews o kaya pag hiningi ko pa. Di naman ako pulubi diba.
Nakakainsulto. Pramis. Babang baba na ko. Ako na nga yung umiintindi eh. :(( Ang haba haba nung pagpapaliwanag ko. Nung pagamin ko. Tapos, atat akong gumising kasi iniisip ko maiintindihan mo ko. Pero paggising ko, nakita ko sensya? Yun lang ba yun. Ang ulo na nga ng utak ko ang labo mo pa. Magtataka ka pa kung bakit nagkakaganto tayo. Eh ikaw tong laging nawawala. Andyan ka ngayon, wala ulit mamaya. Andyan sa umaga, mawawala, tapos paparamdam sa gabi. Tapos saka magaayang matulog. Konting oras lang dre, yun lang naman hinihiling ko eh. Gets mo ba? Gusto kong magalit pramis, kaso laging may dahilan para hindi matuloy at ako pa yung umintindi. Ayan nilabas ko na, kung di mo pa maintindihan yan ewan ko nalang. Kung wala ka pang gawin bahala ka na. Wag kang magalala iintayin pa din kita. Iintayin ko yung puntong aayos ka na. Mahal pa din naman kita eh. Kahit galit ako di naman nawala yun. Ge. Sabihin mo nalang kung kelangan mo na ko. Saka natin ayusin to.
Hindi ko magawang magalit kasi kada makakahanap ako ng pagkakataon laging may magiging dahilan para hindi ako magalit at ako pa yung umunawa. Ni hindi ko nga alam kung may karapatan ba kong maramdaman yun kasi sino lang ba ko. Hindi naman ako yung dapat maging laging una. Alam ko yun. Kaso kahit sino naman hindi maiiwasan na makaramdam ng pagkalungkot diba? Normal naman yun. Tao din naman ako. Magulo ba? Sorry.
*PS: Hindi ako nagdadrama baka yun isipin mo. Naglabas lang. And I know you’ll see this soon, kung mababasa mo to kunyari wala kang nabasa okay? Wag mo nang banggitin sakin sa chat o text. Oo ikaw. GOSH KELANGAN KO TALAGA NG MAKAKAUSAP BAGO PA KO MABUWANG. PUNTAHAN NYO KO SA PAMAMAHAY KO.